top of page

Bakit pa kailangan mag sinungaling?

  • keysshit
  • Feb 24, 2015
  • 1 min read

drawing.jpg

Bakit kailangan magsinungaling sa maliliit na bagay kung pwede mo namang sabihin ang totoo? Kasi, maliit na bagay lang? Kasi, ayaw mong makasakit, yung talagang mas pipiliin mong magsinungaling na lang?

Minsan kailangan natin magsinungaling sa isang bagay. Para ipagpatuloy ang gusto mo sa sarili mo, kasi takot tayo. Minsan nagsisinungaling tayo para protektahan ang isang tao, para hindi sila masasaktan.

Minsan kailangan rin natin sabihin ang totoo, kasi mas masakit na mag sinungaling ka pa. Minsan dapat maging totoo tayo sa mga taong naka paligid satin, kasi once na malaman nya na nag sinungaling ka lang mawawala yung tiwala niya or nila sayo. Yun na yung mahirap ibalik, yung tiwala.

Hindi naman tayo perpekto para gawin ang lahat ng kabutihan sa mundo.. Tao lang tayo na nagagawa ang ibat-ibang kasalanan sa mundo.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
  • Facebook Black Square
  • Twitter Basic Black
  • Instagram Basic Black

© 2015 by Kristine Afable

Proudly created with Wix.com
 

bottom of page